CROSSROADS Sangandaan Newsletter 5th Edition


Fr. Clifford G. Gavina, MSHR
President & CEO

I am now 54 years old.  It seems like the older I get, the closer I am to the end of my life here on earth.  It is a fact that I have already come to accept and embrace: everybody goes, everything vanishes. But here are some lessons I have learned so far:
 
1. When I was young, I never thought about detours or changes to my path. I thought that if I were to work hard, and with a little bit of luck, I would get to my chosen goal.  But as I got older I realized it was, and is that much more important, to remain flexible and open to changes. Life has thrown some pretty interesting challenges my way, some even instigated by me. So many of us have experienced changes to the way we thought life would work out leaving us feeling like all that we worked towards when we were younger really did not prepare us for what was to come. And while it seems the stakes are even higher when we advance in age and the appetite for risk seems low, I go by the belief that those challenges, while excruciating as they are when we are going through them, are the kicks up the backside that we need in order to dig deeper within ourselves. It forces us to re-evaluate and check in with ourselves. Maybe we are meant to go on a different path. But that’s what makes life interesting. If my life were a movie or a book, the last thing I would want it to be is predictable, not complicated but complex.

2. While the choices I have made in my life have led me to where I am today, I could have circumvented a lot of tears and heartbreak by having more confidence in myself. I believe that I have value just by being here and after letting go of those people and places that did not serve in my best interests. How to have confidence? It is like anything in life—practice makes perfect and also knowing that nobody has it all figured out. Confidence is a feeling we are not good enough and that we do not belong. Confidence is feeling whole despite brokenness.

3. Life gives us what we ask for. I believe in the Higher Power that surrounds us. I believe in having a clear vision of what it is I want out of my life. With an honest heart and a grateful soul, I believe in asking the universe, God, nature, spirits, energy for guidance and leading me to where I want to be. I trust in something bigger than myself. Start expecting miracles. Coincidences, the right sign, the right people, the right opportunities have come my way. It does not mean sitting back and waiting for all the goodness to unfold. It does mean working hard towards our vision, working hard on ourselves to figure out what it is we want and why we want it. It does mean taking whatever steps necessary, even difficult ones, to get us closer to our dreams but also trusting that by enjoying the process, being aware of and grateful for the gifts we are given every day, we will get there.
 
4. I had to get out of my own way, my own limiting beliefs, my own unhealthy sense of self in order to get to the life I wanted. And through the work I did on myself, I am living a life that is more than I could have ever imagined for myself. Does this mean my life of worries is over? No. Not in the slightest. I am still a work in progress and will be till the day I die. But I am building the tools to help me get better and closer to the person I wish to be. By doing the work, learning my lessons, and getting out of my own way I am making space for the unexpected miracles that have shown up for me in the past. Miracles I know will continue to show up as my life unfolds. Their main task is to make a better version of me. 






The day of our birth is one of the most important days in our lives that is worth celebrating in whatever ways we can afford. What matters is that our natal day gives us an opportunity to give thanks to God for the gift of life and we want this joy to be shared with our parents, relatives, and loved ones… with those who play a special part in our lives.
 
On September 23, 2021, Crossroads family celebrates the 54th birthday of our dearest President and CEO, Fr. Clifford G. Gavina, MSHR.
 
The Mini – concert is a tribute to his well – lived life and an expression of his gratitude to a life that blessed him and nurtured him to be the best person that he never imagined or dreamed of. On this very special day he is overflowing with gratitude and it is the language of his heart that he shares with all of us present in the celebration.
 
To our dearest Father Clifford, cheers to more years of blessed life and for being a man for others especially to your today’s Anawims and to all of us here at Crossroads. We are grateful to journey with you in this world, we call life.

ATE SHEILA

Dear Father Clifford

Unang una po, bumabati po ako sa inyo ng Happy Birthday. I wish na humaba pa ang inyong buhay para marami pa kayong matulungan na tao na katulad kong naliligaw ng landas at nawawalan ng pag-asa sa buhay. Maraming salamat din po pala sa inyo na binigyan ninyo po ulit ako ng pagkakataon na makabalik sa family ng crossroads dahil binigyan ninyo ako ng executive clemency at humihingi po ako ng pasensya sa nagawa kong pagkakamali nang tumakas po ako. Napagtanto ko po na huwag takasan ang aking pagbabago at huwag sayangin ang pagkakataon at panahon.

I WISH YOU A HAPPY BIRTHDAY AND MORE POWER!

Bro. Reynaldo


PASASALAMAT
Bro. John Philip

Masaya ako noong nag birthday si Father Clifford, kasi unang una maraming pagkain at masaya ang family dito sa Crossroads. Sana magtuloy-tuloy ang kasiyahan ng buong family kahit hindi birthday ni Father Clifford kasi maraming tao ang natutulungan ng Crossroads lalo na ang katulad kong adik na nagbagong buhay sa tulong ni Father Clifford. Wish ko po sa inyo ay long life and be strong and be safe lagi. Maraming salamat po sa lahat.

SALAMAT
Bro. Alvin

Ako’y lubos na nagpapasalamat dito sa bahay ng pagbabago dahil sa malaking tulong nila para sa aking pagbabago lalo na kay Father Clifford dahil isa ako sa napili niya na mag perform sa kanyang kaarawan kahit sobrang tigas ng katawan ko at sana eh napasaya ko naman siya at sana mas marami pa siyang matulungan na kagaya kong naligaw ng landas.



GRATITUDE
Bro. Ryan Anthony

Ako’y nagpapasalamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong makasali sa presentation sa kaarawan ng aming tinuturing na ‘Ama’ dito sa bahay ng pagbabago… na si Father Clifford Gavina.

Hindi naman ako kagalingan at tunay ngang walang talento sa larangan ng pagsayaw at pagkanta, subalit ako’y napili at ako’y lubos na nagpapasalamat at ako’y nakapag-perform sa mismong kaarawan ni father.
 
Ako’y natuwa dahil may partisipasyon ako sa pinakamahalagang araw para sumaya ang selebrasyon sa mismong kaarawan ng tinatawag naming ‘PADS’ dito sa Crossroads.





The chapel of Our Lady of the Holy Redeemer at The Redeemer’s Abbey, Pililia, Rizal has been blessed in July 22, 2021 by the Most Reverend Nolly C. Buco, D.D., Auxilliary Bishop of the Diocese of Antipolo. He was joined by Fr. Clifford G. Gavina, MSHR and two diocesan priests, namely Fr. Jun Meneses, parish priest of Sta. Maria Magdalena Parish, Pililia, Rizal and Fr. Moises Villamor , parish priest of San Diego de Alcala Parish, Quisao, Pililia, Rizal. 
 
On August 15, 2021 CASA CARIDAD, the third House of Solitude, was also blessed.  The CLAY members, headed by Tita Karen, to whom the third house was named, were present via social media.



CROSSROADS H.O.M.E. for RECOVERY celebrated its 22nd ANNIVERSARY on August 8, 2021 with the theme: Journeying Together in Transforming Lives. It was a simple occasion of gratitude participated via online by the codeps of Crossroads residents.  They truly enjoyed watching the residents in their song and dance presentations.  The Crossroads staff and residents had their stomachs content with the plenty of food, some of which were shared by the codeps.
 
Congratulations, CROSSROADS FAMILY for another grace-filled year of service.  Let us look forward for more years to come with dedicated and humble commitment. Indeed, compassionately generous is the Lord, now and forever.  Amen.



Despite the pandemic which limits our activities and interactions with our special children, the seminarians of MSHR see to it that they are being supplied with some of their basic needs.  Grateful we are for the donors.  May your tribe increase!









SORRY AT SALAMAT
Bro. Emerson


Ako si Bro. Emerson, 44 y.o. taga Apayao province na nagpunta sa Crossroads noong July 16, 2021. Dito ako natutong humingi ng sorry sa Diyos at dito ko rin naunawaan ang lahat ng kagustuhan ng aking asawa at mga kapatid. Sa Crossroads ko natutunan ang lahat ng aking kamalian sa buhay. Natuto ako dito ng tamang pagsunod at pagtanggap. Salamat sa mga staff ng Crossroads dahil sa kanila unti-unti kong nabago ang aking sarili at ang aking pananaw sa buhay. Nagpapasalamat ako sa aking asawa at mga anak dahil sa kanila kaya ko ginagawa ang lahat upang ako ay magbago, at maisaayos ang aking family. Masaya ako mula ng mapalapit ako sa Diyos. Dito ko nalaman ang lahat ng kagustuhan ng Diyos para sa aking sarili. Ang buhay sa Crossroads ay hindi ko na malilimutan habang ako ay nabubuhay. Salamat talaga sa mga staff sa pag-aalaga sa akin. At lalo na kay Fr. Clifford sa mga ibinigay niyang pang-unawa sa amin ng mga kapatid ko sa pagbabago. Talagang kay buti ng Diyos sa lahat ng oras at araw na ibinigay niya sa amin dito sa Crossroads.

Bro. Bodjie

Mapaglarong tadhana ako ay sinubok ng panahon at nakita ko ang aking kahinaan at doon ako’y naligaw sa aking tinatahak sa daan at doon ako napunta sa isang daan na puro kamalian. Doon ako’y nagdusa sa maling pananaw sa buhay.
Dumating ang panahon na ako’y napadpad sa bahay ng pagbabago at doon ko napagtanto ang aking kamalian at natutunan kong itama at baguhin ang aking tadhana.

BASAG
Bro. Bodjie

Isang salita na nagpaharap sakin sa pader dahil sa isang gamit na nabasag ko. Habang nakaharap ako sa pader doon ko naikumpara ang sarili ko sa isang mangkok na basag dahil nang natuto akong magbisyo ay nagkalamat na ang aking pakikitungo sa aking pamilya at sa ibang tao. Para na akong isang mangkok na basag wala nang silbi kaya pwede nang itapon. Kaya sa tulong ng center, pipilitin kong maging matibay para hindi na muli ako mabasag ng anumang bisyo.



SALAMAT INA
Bro. Danico

Salamat sa lahat ng pagmamahal at pag-aaruga
Salamat sa patuloy na pag-intindi sa aking mga kamalian at kasalanan
Ikaw an aking sandigan sa lahat ng aking pagsubok
Ikaw din ang aking inspirasyon sa aking pagbabago
Salamat aking ina sa pag-aalaga ng wagas at walang sawa.
Aking ina walang iba kundi ikaw…


DEAR FAMILY
Bro. Alvin
 
Alam ko na labis ko kayong nasaktan.  Alam ko na kayo’y aking napabayaan dahil sa pagkakalulong ko sa droga. Inaamin ko na nagkamali ako at ako’y naging makasarili sa mga kagustuhan ko, kaya sana’y mapawatad ninyo ako. Nagpapasalamat pa rin ako sa inyong lahat lalo na sayo mahal kong asawa, sa pang-unawa at pagmamahal mo sa akin. Maraming oras at panahon ang nasayang na hindi ko kayo nakasama. Sana mapatawad ninyo pa ako dahil sisikapin ko na sa bawat patak ng luha ay ngiti at saya ang inyong madarama kaya sana makasama ko na kayo ulit ng ating anak kasi sobrang miss na miss ko na kayo.

BATO & SHABU


Ito ang dahilan kaya ako na pasok dito sa bahay ng pagbabago. Dito nalaman ko ang lahat ng masasamang naidulot sa akin ng shabu. Sobrang sama na pala ng naging pagkatao ko dahil sa paggamit ko ng droga at ngayon nandito na ako sa bahay ng pagbabago ay muli kong bubuuin ang aking sarili upang maibalik ang respeto sa aking sarili upang maibalik ko din ang tiwala ng aking pamilya.


“PATAWAD MAHAL KONG MGA ANAK AT MAHAL KONG ASAWA”
Bro. Edwin

Sa oras ng aking paglayo hindi ko nakita ang inyong mga katangian.
Gusto kong magbalik, ngunit ako’y malayo na.
Pinapangako ko mahal ko at mga anak, aalagaan ko kayo kung ako’y patawarin
Kaya’t huwag mainip, sa aking pag-uwi lagi kayong nasa isip ko bawat sandali.
Salamat anak at mahal kong asawa. Muli sana akong mapatawad.


MARAMING SALAMAT
Bro. Roberto
 
Salamat sa inyong pagsundo at pag-welcome sa akin dito sa Crossroads family.  Dahil dito ay nakaiwas ako sa mga bisyo.  Sa paglabas ko dito ay hindi na ako magbibisyo at aasikasuhin ko na ang aking trabaho at makatulong na muli sa aking nanay sa hanapbuhay at bahay. Nawa’y dito sa Crossroads matuto akong pahalagahan ang mga simpleng bagay. Salamat sa ga
bay ng muling makalakbay at maging matagumpay ng hindi tumatagay.


LOVE
Bro. Bryan Joseph
 
Dito sa Center talagang pinagsisikapan kong baguhin ang aking buhay para sa aking family and loved ones at dito ko sa Center natalikuran ang aking bisyo para sa aking mga pangarap sa buhay.


CALLING
Bro. Emmanuel
 
Totoong hindi ko kaya ang mag-isa. Sa tulong ng Diyos at mga kapatid ko ay nabago ang aking pananaw sa buhay. Halos naghahalo ang saya at lungkot na aking nararamdaman. Pero ito ay inilalagay ko sa positibong pananaw sa buhay. Sa tulong ng Crossroads ay nakita ko ang aking sarili na kailangan ko nang kumilos o magbagong buhay. Salamat sa Diyos at unti-unti ko itong nakakayanan.
Not by might nor by power, but only the spirit of the Lord our God”. Salamat Crossroads sa inyong walang sawang pagtulong sa amin. More power!  Mabuhay kayong lahat.



BINTANA
Bro. Bryan Joseph
 
Sa labas ng bintana, masarap tumanaw.
Pag-gabi sa buwan, pag umaga sa araw.
Kapag binuksan ng konti madami kang maririnig,
At kung maganda ang panahon o sinuwerte ka ay mahahalikan ka pa ng hangin.
Bakit espesyal ang bintana sakin, Iyo bang pinagtataka?
Dito ko kasi tinitignan… baka sakali… mapadaan ka.


Comments

Popular posts from this blog

CROSSROADS sangandaan 3rd Edition

CROSSROADS sangandaan 1st Edition

CROSSROADS sangandaan 2nd Edition